Wednesday, February 3, 2010

Ang milyong hakbang na paglalakbay, Ay nagsisimula sa unang hakbang

Lao-Tzu " Ang milyong hakbang na paglalakbay, Ay nagsisimula sa unang hakbang"

Wow ang galing! gusto ko ito...sabi nga ng katulad kong ilokano ay wen ah,
nais kung simulan at ipakahulugan ito sa simple at payak na pamumuhay ko sa kanayunan although napakalawak ng punto nito gusto ko lang muna magpartikular sa uring aking pinanggalingan syempre bilang "magsasaka"para may batayan at makatotohanan ika nga ng karamihan.

Sa pagtatanim ng palay dadaan ka sa proseso kelangan munang may tubig ang lupa galing man iyan sa ulan, irigasyon,casecnan or kahit na sa shallow tube well (water pump) basta ang mahalaga may tubig ang lupa para sa pagbubungkal at pagpupunla upang makapagtanim at umani.Kaya lang kadalasan din mula sa usual na problema sa puhunan na gastusin para makapagtanim pati kalikasan ay bahagi na rin ng mga problema na dapat mong ikokonsidera at pag-isipan kung dapat pa ba talagang magtanim,Napakahirap pero kailangan eh, minsan nga naiisip ko itigil ko na kaya ang magpapagod at kalokohan kung ito! magtatanim ka pagkatapos wala naman matitira para sa pamilya halos naipambayad na rin ang naani sa utang tapos babaratin ka ng mga traders na gahaman sa kita at tubo.Di sila ang naghirap tapos sila makikinabang para bang kalokohan nalang ang lahat eh,ang masakit pa kapag inabot ka pa ng baha at bagyo katulad ni Pepeng tiyak taob ang bangka daig mo pa ang natalo sa sakla.Pero ganun pa man di rin dapat tumigil sa pagbubungkal ng lupa dahil kapag tumigil paano naman ang sambayanang pilipino partikular ang mahihirap na mamamayan na umaasa sa butil ng palay? Kaya nga kahit pagal na ang katawan mula sa sikat ng araw at buhos ng ulan dapat pa ring magtanim mula sa prosesong pagpupunla at pag-aani walang short cut kahit ikaw at nalugi sa pagtatanim dadaan ka pa rin sa simula bago mo tulayan maramdaman na lugi ka di mo nalalaman malalaman sa simula na wala kang maaani.

Ililiko ko naman ng pakanan ang araro mula sa vertical na direksyon,direksyon ng buhay ko kung saan naman namulat ang isip at kamalayan ko sa mundo ng aktibismo para sa pagsusulong ng karapatan ikabubuti naming magbubukid,Pero halos ilang taon at dekada na rin akong kumikilos di pa rin nalalagot ang gapos sa kamay ng magbubukid sa daang taon ng pagkauhaw na bunga ng lupa.Mas nakakalungkot isipin ilang magsasaka na nga ang nagbuwis ng buhay para dito mula sa Lupao Massacre, Mendiola Massacre Luisita Massacre at maramin pang iba (Panahon ng kastila,Panahon ng hapon, Panahon ng Amerikano kainis ang haba na pero talo pa rin ang magbubukid ) meron mang nakuha pero napakaliit pa rin di pa rin totally napalaya...

Pero hindi naman ito ang kabuuan ng gusto kong ipakahulugan para dito bagamat bahagi ito sabi nga proseso at marapat na mabanggit ko din gusto kong tunguhin yung ikatlong direksyon paliko patungo sa kaliwa ( sa unang direksyonyun bahagi ng pang-araw-araw kong pamumuhay ang pagsasaka pangalawa aktibismo)At ikatlo ito sana ang gusto kong pag-ukulan din ng panahon sa kasalukuyan. Direksyon naman patungong kaliwa na nag-aanyaya sa aking damdamin ang paglikha sana ng mga awitin..Folk Song mga awiting simple, maganda relatibo sa tunay na buhay at may kurot sa puso at kamalya ito ang tatak ng mga hinahangan kong kompositor at mang-aawit sa katauhan nila Noel Cabangon,Gary Granada,Joey Ayala. Mahilig ako lumikha ng awit subalit di ko alam kung paano sisimulan....Pero ika nga ni Lao-Tzu ang milyong hakbang na paglalakbay, ay nagsisimula sa unang hakbang...Marahil payak lang ang gustong ipahiwatig sa akin para sa ninanais kong tunguhin na lumikha ng mga awitin baka magandang unahin ko muna bumili ng gitara tapos magsimulang lumikha ng awit-Pero baka mas kongreto at tamang tanungin ko uli ang sarili ko may pambili ba ako ng "gitara"?....

No comments:

Post a Comment