Wednesday, February 3, 2010

Madaling maging tao, Pero mahirap magpakatao

Luma, simple at tipikal na kasabihan madalas kong marinig sa mga matatanda na magbubukid nakakausap ko sa kanayunanpero kung susuriin mo ng malalim relatibo sa kasalukuyang pag-uugali ng mga tao magbubukid,mangingisda,kabataan, kababaihan,mayaman man o mahirap at anumang sekswalidad ang kinapapalooban lapat para sa lahat ito. Ika nga ni manong Tibo na nagtitinda ng kaldero sa Pulong Byuti isang sityo sa Nueva Ecija malapit na ang eleksyon marami na naman ang mangangako magtataas ng kamay kakaway at makikipagkamay sa tao at mangangako at sasabihin hayaan nyo pagnanalo ako ipapagawa ko ang kalsada at tulay nyo,Edukasyon trabaho para sa inyo libreng gamot at repormang agraryo basta siguruhin nyo lang na iboboto nyo ako at mananalo, ansarap pakinggan parang kasingsarap ng gulay na kalkalunay kahit gasgas ng mga linya hindi pa rin iniiba patok pa raw sa panlasa ng mga magsasaka eh kung alam lang nila ito ang linya ng magsasaka magkunwaring tao man sila at kahit ano pang gawin nila para sa amin LUSAW pa rin sila!!!!!
Routine na ng buhay ko ang madalas magtungo sa mga sityo opps! natural organisador ngapala ako sa araw-araw na ginawa ng diyos kelangan lumakad at umalis ng bahay minsan kahit di pa naliligo, tootbrush lang ng ngipin at konting hilamos sa mukha okidoki na at punta na, di na mahalaga kung di mabango ang importante hindi ma-late sa eskedyul ng pag-uusap ng mga katotong magbubukid di bale ako ang naghihintay wag lang maiwanan ng mga makakausap.
Baka sabihin uli nila isusuga ko pa ang kambing,magtatabas pa ako ng damo sa pilapil,aalisan ko pa ng golden kuhol ang bukid ko,mangunguha muna ako ng kangkong at saluyot ulam mamaya tanghali at gabi..hay naku minsan nakakayamot pero kelangan unawain eh isang oras ko nga naman sila aabalahin ang isang oras sa magbubukid ay katumbas na ito ng isang araw para makahanap ng kanilang maisasaing.Nakakatuwa nga lang sa tuwing sasabihin nilang marami pa silang gagawin haplos sa likod ko at sasabihin antayin mo lang kami itutuloy pa rin nating ang miting tamang-tama kukuha kami ng golden kuhol para mapulutan sa inuman sabay ngiting babanggitin basta sagot mo ang inumin.

Simple, mababaw na kaligayahan pero may kurot sa damdamin hindi nga san miguel light ang aming iniinom na katulad ng inumin ng mga principalia at pulitiko, gin bulag lang katalo na basta lapat sa buhay ang pinag-uusapan okey na! ang mahalaga hindi niloloko at binobola ang bawat isa...Sabay hirit pa oy tagay ka na paikutin mo na ang baso...

No comments:

Post a Comment